August 23rd, 2010

Weekend Diary Part II

Di tulad ng naunang nasulat ko, hindi kami natuloy ni Nica na mag ihaw-ihaw at dumiretso kela Raquel. Eventually, hindi sumipot si Nica, ni tawag o tetx wala. Ang sabi nya kasi, itetext o tatawagan na lang daw nya ko sa hapon kasi kakauwi lang daw nya gling inuman kasama mga opismates nya. Ako naman, kahit na may kutob akong usapang lasing yun, sabi ko na lang, ok.

 

Pagdating ng hapon, walang Nica na nagparamdam. (Mispellengin! Ang hilig mo talagang mag drawing!)

 

So, nangyari, nag mit-up na lang kami ni tumblr friend slash stalker slash long lost brother (?) Sinamahan nya kong kumain sa Wendy’s dahil gutom na gutom na ko nun dahil di pa ko nanananghalian nung mga oras na yun (5pm). So punta kami ng Wendy’s order ng pagkain, kwentuhan blah,blah,blah, nang biglang tumayo yung isang grupo sa may right side namin. Hindi ko pinansin, kiber ko, so ako, kwento pa rin, blah,blah,blah, tapos napansin ko na may ibang direksyong tinignan etong bago kong kaibigan, hindi ko na sana papansinin kaso, kung nadistract sya, mas nadistract ako sa ginawa nya! Hahaha. Bigla syang napatingin dun sa isang chicks na kasama dun sa grupong tumayo sa may right side namin. Hindi lang basta tingin, kundi HABOL TINGIN talaga! (kung kayo ang nasa kalagayan ko, hindi ba kayo madidistract na bigla na lang yung kausap nyo e nag-habol ng tingin sa isang chikas?) Imbis na ma-offend at mag balat sibuyas, Natawa ako! Laugh trip talaga! Madami akong tropang lalaki dahil nga sa outdoor team ko pero, nun lang ako nakakita ng lalaki na grabeng mag-habol ng tingin sa babae. Para kong napanood ulit sila Tito, Vic and Joey ng Skul Bukol. Old school na old school ang dating. hahaha. (Habang sinusulat ko to, hindi ko maiwasan na hindi matawa ulit kasi naaalala ko exakto ang reaksyon/facial expression nya nung ginawa nya yun. hahahahaha..LMAO!) Hindi ako nag eexagerrate ha, sinasabi ko lang kung ano ang nakita ko. Priceless! hahahaha. Apir! :p

 

Pagkatapos nun, umalis kami ng Wendy’s, nagpunta sa Odeyssey at National Bookstore tapos umuwi na.

 Yun lang. Salamat sa unang bonding tumblr friend slash stalker slash long lost brother (?) Aliw! Next stop, Manila trip! Apir! :)