9April2011. Anawangin Cove Zambales.
This is one of the kewlest drunk shot ever! haha! :)))

The Coffeeshop Restaurant and Rooftop Hotel’s Jambo Tacos in Barrio Barretto, Olangapo City. Nomnomnom. :)

8-10April2011. Anawangin Cove Zambales.
Sa pangatlong pagkakataon, nakabalik ulit ako sa Anawangin last weekend. Pangalawa sa loob lang ng 2 buwan, ng dahil sa balikbayan na si Fernan. Okay lang, hindi ako magsasawang bumalik dun. Kahit na mukha na syang Luneta Park sa dami ng taong pumupunta dun.
Sana lang, dun sa mga pumupunta, maging responsable naman sa mga kalat nila, hindi yung basta na lang iiwan kung saan. Tsaka sa mga mahilig mag bonfire, konting ingat lang. Delikado kasi kapag lumaki ang apoy, tapos hindi makontrol, aksidente pa ang abutin ng mga nandun imbis na bakasyon. Kaya mas maiging wag na lang.
Sana naman walang magbalak magtayo ng resort dun, mukha na ngang Luneta, sisirain pa lalo. tsk.